Naroon
si Jesucristo sa ating kapwa.
Nang
mahawa sa sakit ang Superior ni San Juan Eudes sa Oratorian
community sa Caen ng Normandy, Pransya, kinilala nya ang biyaya na
matulungan ito sa kanyang pagkakasakit, mabigyan ng mga nararapat na
mga Sacramento, at samahan sa kanyang pagdurusa at kamatayan.
Photo credit: http://smallandsimpletruths.com/?p=916 |
Matapos ang huling pagkakataon na ibigay ang Banal na Komunyon,
mayroon pang dalawang biktima na pinuntahan si San Juan Eudes: ang
isa ay gumaling at ang isa naman ay namatay din. Anuman ang resulta
ng kanyang paglilingkod, naging mahalaga kay San Juan Eudes na
makita si Jesus sa kapwa, lalo na sa kapwang nangangailangan.
Tayo
naman, kahit sa sitwasyon ng virus,
sakit at naka-ambang kamatayan, ang paningin natin ay itutok natin
kay Jesus na nagdurusa
doon
sa mga nagdurusa rin sanhi ng COVID-19. Ano kaya ang mababago sa
iyong mga desisyon kung kikilos ka ayon halimbawa ni San Juan Eudes
at ni Jesucristo?
San
Juan Eudes, ipanalangin mo kami!
O
Mariang ipinaglihi nang walang kasalanan, ipanalangin mo kaming
dumudulog sa iyo!
O
Jesus, Mapaghilom na Pastol, igawad mo sa amin ang kaganapan ng
buhay!
No comments:
Post a Comment